
Ang United Nations (UN) ay nanawagan sa mga gobyerno sa buong mundo na gumamit ng artificial intelligence (AI) at bagong teknolohiya para pigilan ang korapsyon at putulin ang ugnayan nito sa financial at organized crime.
Ito ay tinalakay sa 11th Session ng UNCAC (CoSP11) na ginanap sa Doha, Qatar, kung saan pinag-usapan kung paano makakatulong ang AI sa pagharap sa mas kumplikadong uri ng krimen ngayon. Ayon kay John Brandolino ng UN Office on Drugs and Crime, ginagamit ng mga tiwaling tao ang teknolohiya para magtago ng pera, magpalsipika ng dokumento, at umiwas sa batas sa iba’t ibang bansa.
Gayunman, sinabi rin niya na ang teknolohiya ay maaaring maging malakas na sandata laban sa korapsyon, lalo na sa imbestigasyon, basta’t may paggalang sa karapatang pantao. Bilang kasapi ng UNCAC, ang Pilipinas ay may tungkulin na parusahan ang korapsyon, palakasin ang prevention, makipagtulungan sa ibang bansa, at bawiin ang nakaw na yaman.




