
Ang PANGULONG MARCOS ang nanguna sa pagbubukas ng BAGONG E-GATES SYSTEM at iba pang pasilidad sa NAIA TERMINAL 3, para sa mas maayos na biyahe ng mga pasahero.
Ayon sa Pangulo, ang IMMIGRATION CLEARANCE ay kaya nang matapos sa 20 SEGUNDO, hindi na 20 minuto. Inaasahan pang MAS BIBILIS ito habang patuloy na inaayos ang sistema.
Kasama sa paglulunsad ang ALL-FILIPINO FOOD HALL, MEZZANINE FOOD HALL, at DIGNITARIES LOUNGE, na nagbibigay ng MAS KOMPORTABLE at MAS MAAYOS na lugar para magpahinga at kumain ang mga biyahero.
Binuksan din ang MEDICAL TOURISM CONCIERGE AREA para tulungan ang mga pasyente nang MABILIS at may MALASAKIT. Ipinakilala rin ang TRANSIT TOUR, kung saan puwedeng mamasyal ang mga dayuhang may MAHABANG LAYOVER sa bansa.




