
Ang Filipino pole vaulter na si EJ OBIENA ay muling nagningning matapos manalo ng IKA-4 NA SEA GAMES GOLD sa POLE VAULT sa ginanap na 2025 SEA Games sa BANGKOK, THAILAND.
Nagtala si Obiena ng BAGONG SEA GAMES RECORD matapos malampasan ang 5.70 METERS sa kanyang unang attempt. Nalampasan nito ang dati niyang record na 5.65 METERS noong 2023 SEA Games sa Cambodia.
Mahigpit ang laban laban sa Thai athlete na si PATSAPONG AMSAM-ANG, na naabot din ang 5.70m sa ikatlong attempt. Pareho silang nabigo sa 5.75m, ngunit nanalo si Obiena sa COUNTBACK.
Kumpleto ang saya ng Pilipinas matapos makuha ni ELIJAH COLE ang SILVER MEDAL, matapos lampasan ang 5.20 METERS at makasama si Obiena sa podium.
Tags: Sports




