Ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ay opisyal na ilalabas sa May 29, 2026 para sa PS5, Xbox Series X|S, at PC. Ang laro ay gawa ng TT Games at inilathala ng Warner Bros. Games at DC.
Ipinakita sa The Game Awards ang bagong trailer na tampok si Batman at ang kanyang koponan. Kasama rito sina Robin, Nightwing, Batgirl, at Catwoman, na may kanya-kanyang kakayahan, gamit, at skills.
Magkakaroon ng higit 100 Batsuits at Outfits na hango sa mga pelikula, komiks, at laro ni Batman. Mayroon ding mahigit 20 Batmobiles at Batcycles, kabilang ang sikat na Tumbler, para sa paglibot sa Gotham City.
Bukas na ang pre-order simula December 11. Ang Standard Edition ay may libreng Dark Knight Returns Batsuit, habang ang Deluxe Edition ay may 72-oras early access simula May 26, 2026.




