
Ang tatlong lalaki na gumagamit ng improvised na baril ay naaresto sa Rodriguez, Rizal at karatig lugar noong Biyernes ng gabi, December 5, 2025.
Ayon sa pulisya, huling pinasok nila ang isang burger shop kung saan tinangay nila ang P5,000 at isang tablet mula sa 19-anyos na bantay. Kasama rin si alyas Ryan sa holdap sa isang gadget shop noong Nobyembre.
Sa follow-up operation, narekober ang kanilang motor, isang kalibre 38 na revolver, at dalawang improvised na baril na may bala. Hindi pa nabawi ang ninakaw na pera at gamit.
Aminado ang tatlo sa kanilang ginawa at sinabing dala ito ng pangangailangan. “Dala lang ng pangangailangan namin,” sabi ni alyas Marvin. “Napasama lang po ako,” paliwanag ni Ryan.
Pinaigting ng Rodriguez police ang oplan sita at pakikipagtulungan sa barangay para sa seguridad. Nakakulong sa custodial facility ng Rodriguez PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong Robbery Hold-up at Illegal Possession of Firearms.




