
Ang PAGASA ay nagsabing walang bagyo na inaasahang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng susunod na tatlong araw.
Dahil sa shear line, easterlies, at northeast monsoon (amihan), maraming bahagi ng bansa ang makakaranas ng maulap hanggang maulan na panahon, kasama ang malalakas na hangin at maalong dagat sa ilang lugar.
Sa Caraga at Davao Region, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorm. Posible ang flash flood at landslide lalo na kapag malakas ang ulan.
Samantala, ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon ay makararanas ng maulap na langit at mahinang ulan dahil sa amihan. Sa Metro Manila, Visayas, at iba pang lugar, posibleng magkaroon ng paminsang ulan o thunderstorm.




