
Ang Davao City police ay nakapag-rescue ng dalawang menor de edad na umano’y nagbebenta ng marijuana sa Purok 15, Barangay 5-A, Bankerohan.
Sa isinagawang drug bust nitong Martes ng umaga, nasamsam mula sa mga kabataan ang anim na pakete ng hinihinalang marijuana.
Ayon sa pulisya, ang mga nakumpiskang droga ay nagkakahalaga ng P372,000.
Kinilala ang dalawang estudyante bilang sina "Dang," 16, at "Kaloy," 17, na parehong nahuli sa operasyon.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga kabataan habang patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente.




