
Ang Pangulong Marcos ay nag-utos ng taas-sahod para sa military at uniformed personnel (MUP) na ipapatupad sa tatlong yugto simula Jan. 1, 2026, Jan. 1, 2027, at Jan. 1, 2028. Sakop nito ang MUP mula sa DND, DILG, Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections, at NAMRIA.
Kasabay ng anunsiyo, umiikot ang usapan tungkol sa umano’y destabilization na may kinalaman sa flood control scandal. Gayunman, tuloy ang plano ng gobyerno para sa salary hike at P350 daily subsistence allowance na magsisimula Jan. 1, 2026.
Ayon kay Marcos, mahalaga ang papel ng military at police sa public safety at sa mabilis na pagtugon tuwing may kalamidad. AFP naman ay nagpahayag ng suporta at sinabing kinikilala ng administrasyon ang sakripisyo ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel.
Kasama sa epekto ng taas-sahod ang automatic increase sa pension ng mga retiradong MUP. Matatandaang binalaan noon ni Benjamin Diokno na ang lumalalang MUP pension system ay maaaring magdulot ng fiscal collapse kung hindi maaayos.




