
Ang Chery Philippines ay umangat bilang best-selling plug-in hybrid brand sa bansa, ayon sa sales reports ng CAMPI at TMA para sa unang 10 buwan ng 2025. Malaking tulong dito ang Tiggo rEV C-DM 7-seater PHEV, lalo na ang bagong Luxury Edition (LE) variant.
Sa datos ng industriya, umabot sa 24,265 electrified vehicles ang naibenta mula January hanggang October 2025. Kasama dito ang 19,379 hybrid, 3,941 BEV, at 945 PHEV units. Dahil dito, pumwesto ang Chery bilang isa sa leaders sa electrified vehicle market, kasunod ng Toyota at Tesla.
Malaki rin ang naging hatid ng 25 Chery dealerships sa buong bansa, na nagbigay ng mas malawak na presensya at mas maayos na aftersales support para sa mga customers.
Para sa presyo na ₱1,528,000, ang Tiggo rEV LE ay may Chery Super Hybrid (CSH) system na compatible sa Type 2 at CCS2 charging. May 1.5L turbo engine na may 204hp at 310Nm, kasama ang hybrid transmission na may 1,400km combined range.
Sa loob, makikita ang 15.6-inch infotainment, 10.25-inch digital panel, wireless Apple CarPlay/Android Auto, HUD, ventilated seats, panoramic sunroof, at smart door handles. Para sa safety, meron itong ADAS features gaya ng ACC, AEB, LDWS, RCTA, BSM, plus 540-degree camera na may dynamic guidelines.




