
Ang Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI) ay nagbabalik ng Honda Holiday Deals ngayong December, kaya mas madali nang makauwi ng brand-new Honda tulad ng City at BR-V. Ginawang parang ABCD ang proseso dahil sa mga bagong offers na tatagal hanggang December 31, 2025.
May 1–2 Months Free Amortization sa ilalim ng Drive Today, Pay Next Year program. Kasama dito ang all-in package tulad ng 1-year insurance, 3-year LTO registration, at PPSR fee. Available ito sa 15% o 20% low cash-out at 60-month financing. Pinalawak pa ang promo para sa BR-V (all variants MY2026) at City 1.5 RS.
Para naman sa mga bibili ng BR-V, may 1-Year Free PMS na kasama sa lahat ng MY2025 BR-V CVT variants. Dagdag pa rito ang mga cash promos na hanggang ₱200,000 discount, flexible financing options, at all-in down payment na mababa sa 10%.
Makakakuha din ng malaking bawas tulad ng ₱100,000 off sa City 1.5 S CVT Honda SENSING, ₱100,000 off sa BR-V 1.5 S CVT, at ₱100,000 discount sa Civic RS e:HEV at HR-V RS e:HEV. Samantalang ang CR-V RS e:HEV at CR-V V Turbo ay may ₱200,000 na bawas.
Hindi rin pahuhuli ang mga Honda Genuine Accessories dahil may special deals ngayong buwan. Perfect itong pang-personalize ng kotse o pang-regalo, at nagsisimula ang presyo sa ₱3,700.




