
Ang siyam na pulis ng Navotas City Police Station ay inaalis sa pwesto matapos ang reklamo ng torture na isinampa ng abogado ng dalawang murder suspects sa Barangay Bangkulasi.
Ayon sa reklamo, walong pulis ang una nang sinisi dahil sa grave misconduct, serious irregularities, oppression, conduct unbecoming of a police officer, at paglabag sa Anti-Torture Act. Sinimulan ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang pag-interview sa kanila noong Nobyembre 27.
Kinabukasan, nagbukas ang Napolcom ng hiwalay na imbestigasyon para malaman kung may administrative liability ang mga pulis. Ayon kay PNP spokesperson BGen. Ranfulf Tuaño, nadagdagan pa ng isang opisyal ang grupo kaya siyam na ang na-relieve.
Kasulukuyan silang nasa ilalim ng PNP Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng Northern Police District habang hinihintay ang resulta ng dalawang imbestigasyon.
Noong Huwebes, itinanggi ng Navotas police ang torture allegations at nagpakita ng video na diumano’y nagpapakita na ang suspect ay kusang nag-confess sa harap ng abogado. Ayon kay PCol. Renante Pinuela, malinaw sa medical certificate na walang internal o external injuries ang suspect.




