
Ang 5-anyos na bata natagpuang patay sa Argao, Cebu.** Huling nakasama ang biktima ay ang kaniyang 8-anyos na pinsan.**
Ayon sa ulat, nagpaalam ang mga bata na maghahanap ng maliliit na alimango malapit sa bahay. Nang tanungin ng ina kung nasaan ang anak, hindi makasagot ng maayos ang pinsan. Dahil dito, nagsagawa ang barangay ng search operation.
Sa sapa malapit sa bahay nila, natagpuan ang bata na patay na at may sugat sa leeg. Sinabi ng pulis na tila cutter ang ginamit sa krimen.
Naalala ng ina na palaging bitbit ng pinsan ang cutter, kaya siya ngayon ang pangunahing pinaghihinalaan. Kasalukuyang iniimbestigahan ang motibo sa likod ng insidente.
Nasa kustodiya ng social welfare office ang 8-anyos na pinsan habang nagpapatuloy ang malawakang imbestigasyon.




