
Ang Shin Min-ah at Kim Woo-bin, isa sa pinakasikat na Korean couples, ay ikakasal na ngayong December matapos ang 10 taon nilang relasyon, ayon sa ulat mula Soompi.
Ayon sa AM Entertainment, nagdesisyon ang dalawa na maging habambuhay na partners dahil sa matibay na tiwala at matagal na samahan. Gaganapin ang kanilang private wedding sa December 20 sa Seoul, kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.
Hiniling ng agency ang mainit na suporta at blessings para sa couple. Sinabi rin nila na mananatiling dedicated ang dalawa sa kanilang trabaho bilang actors at patuloy na magpapasalamat sa suporta ng fans.
Si Shin Min-ah (41) ay unang sumikat sa “My Girlfriend Is a Gumiho” at nakilala sa mga hit dramas tulad ng “Oh My Venus,” “Hometown Cha-Cha-Cha,” “Our Blues,” at “No Gain No Love.” Kasali rin siya sa paparating na Disney+ series na “The Remarried Empress.”
Si Kim Woo-bin (36) naman ay nakilala sa “School 2013,” “The Heirs,” “Uncontrollably Fond,” at ang pinaka-latest niyang proyekto na “Genie, Make a Wish.”




