
Ang Honda Wind Naked 7 o WN7 ay handa na para sa 2026. Unang ipinakita bilang “EV Fun” concept sa nakaraang EICMA, mabilis itong isinulong patungo sa produksyon. Makikita sa showrooms sa Europa sa unang bahagi ng 2026 bilang unang full-electric big bike ng Honda.
Kakaiba sa maliliit na electric motor at scooter, ang WN7 ay compatible sa CCS2 fast charger, parehong standard ng electric car. Kaya nitong mag-charge mula 20% hanggang 80% sa loob ng 30 minuto, na nagdadagdag ng 89 km range. Puwede rin itong i-charge sa bahay gamit ang 230V AC socket (0%–100% sa 5.5 oras) o dedicated 6kVA wall unit (2.4 oras).
Sa performance, sinasabi ng Honda na mas mabilis itong mag-accelerate kaysa CB500 Hornet, mula 0–100 km/h sa 4.6 segundo. May top speed na 129 km/h, at range na 140 km sa average speed na 55 km/h. Ang liquid-cooled motor ay may 50 kW peak power, 18 kW certified constant output, at 100 Nm torque.
Kasama sa features ang Pro-Arm swingarm, full LED lights, apat na riding modes, Showa USD forks, traction control, ABS na may cornering function, regenerative braking, 5-inch TFT display na may smartphone connectivity, smart key, at forward/reverse walk mode.
Honda PH ay wala pang official presyo o availability sa Pilipinas, pero asahan na magiging flagship model ng bagong electric motorcycle brand ng Honda.




