
Ang EA Sports ay lumulaktaw sa F1 26 at diretso nang tututok sa malaking F1 2027. Imbes na maglabas ng hiwalay na F1 26, gagawin nilang premium update ang buong 2026 season sa base game na F1 25.
Ilaglalaman ng update ang 2026 FIA Formula One World Championship, kasama ang bagong cars, bagong rules, at updated teams at drivers. Itinuturing itong strategic reset, dahil lilipat sila mula sa taunang release papunta sa live-service style na suporta.
Sa 2027 naman ilalabas ang isang mas malaki, mas authentic, at mas modernong F1 game. Kasama rito ang bagong paraan ng paglalaro at mas malalim na partnership kasama ang Formula One Management at lahat ng F1 teams.
Ayon kay Codemasters Senior Creative Director Lee Mather, nakatutok pa rin sila nang buo sa F1 series. Ang dagdag na oras sa development ay para baguhin at pagandahin ang paraan ng paglaro sa F1 sa bagong era.
Para sa players, malinaw ang direksyon. Ang F1 25 ang magiging live platform para sa 2026 update, habang hinahanda ang mas malawak at bagong-bagong F1 2027.




