
Ang Rockstar Games ay maglalabas ng Red Dead Redemption at Undead Nightmare para sa PS5, Xbox Series X|S, Switch 2, iOS, Android, at mobile sa December 2. Inaabot na rin nito ang bagong henerasyon ng consoles at phones, kaya mas maraming players ang makakalaro ng classic Western story na ito.
May 60fps, HDR, at 4K resolution ang version para sa PS5 at Xbox Series. Sa Switch 2, may DLSS, HDR, at smooth gameplay pa rin. Para sa mobile, may mobile-friendly controls para mas madali ang paglalaro kahit on-the-go.
May free digital upgrade para sa mga existing owners sa PS4, Switch, at Xbox One version. Pwede rin mag-carry over ng save data ang PS4 at Switch users, kaya tuloy tuloy ang progress. Kasama sa package ang lahat ng single-player content at bonus mula sa Game of the Year Edition.
Kasama rin ang Undead Nightmare, ang sikat na zombie mode, na bumabalik para sa mga gustong maranasan ulit ang horror adventure sa frontier.
Makukuha rin ito sa mga subscription tulad ng PlayStation Plus Game Catalog at GTA+ Games Library, kaya mas madali para sa subscribers na ma-access ang laro.




