Ang Fortnite ay nag-anunsyo ng malaking kolaborasyon para sa Festival Season 12, kung saan tampok si LISA ng BLACKPINK bilang main act ng bagong Starlux Music Pass.
Sa inilabas na official teaser, makikita si LISA dala ang kanyang signature style, enerhiya, at bagong rockstar outfit. Kasama rin dito ang ilan sa kanyang sikat na kanta tulad ng “FUTW (Vixi Solo Version),” “Rockstar,” at “New Woman.”
May kasama rin na opening performance mula sa Melodie Mars, ang original act ng Fortnite. Ang Melodie Mars Outfit ay magiging available kapag binili ang Starlux Music Pass.
Darating ang bagong collab content na tampok si LISA sa Nobyembre 29. Maaari ring panoorin ang official teaser para sa unang silip ng event.




