
Ang La Loma sa Quezon City, kilala bilang Lechon Capital ng Pilipinas, pansamantalang nagsasara ang 14 lechon shops dahil sa African Swine Fever (ASF). Inirekomenda ng City Veterinary, Health Department, at Bureau of Animal Industry ang suspensyon para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Nag-utos ang lokal na pamahalaan ng culling o pagpatay ng ilang baboy sa La Loma para masiguro ang kaligtasan ngayong Pasko, panahon kung kailan mataas ang demand sa lechon. May checkpoints na rin sa paligid para kontrolin ang paggalaw ng baboy sa lungsod.
Bagama’t naapektuhan ang negosyo, tiniyak ng pamahalaan na makakatanggap ng suporta ang mga establisyemento upang makasunod sa health protocols at muling makapagbukas ng ligtas.
Ang African Swine Fever ay hindi nakakahawa sa tao at kumakalat lamang sa mga baboy, kaya walang panganib sa kalusugan ng publiko. Pangunahing alalahanin ay ang epekto nito sa industriya ng baboy at lechon sa lungsod.




