
Ang Hyundai Motor Philippines Inc. ay sasali sa Auto Focus Pre-Christmas Test Drive Festival sa SM Mall of Asia Concert Grounds mula Nobyembre 13 hanggang 16. Dito, puwede subukan ng mga bisita ang kanilang dream Hyundai at makakuha ng exclusive treats.
Maaaring mag-register sa Hyundai booth para makakuha ng libreng cold treat mula Araro Gelato habang tinitingnan ang latest Hyundai lineup. Lahat ng sumasali sa test drive ay makakatanggap ng Knowell bag na puwede ring i-personalize sa event. Bawat Knowell bag na makukuha ay may kasamang schoolbag donation sa partner foundation.
Puwedeng subukan ng mga bisita ang iba't ibang Hyundai vehicles gaya ng Stargazer at Stargazer X para sa space at comfort. Para sa compact options, puwede ang Creta at Venue. Families at groups ay puwedeng subukan ang Custin at Staria para sa mas maluwag at komportableng sakayan. Sa fuel efficiency naman, may HEV line-up na Elantra, Tucson, Kona, at Santa Fe. Para sa sporty performance, puwede subukan ang Creta N Line at Elantra N Line.
Para sa pamilya, may Hyundai Claw Machine para sa mga bata na may chance manalo ng exclusive Hyundai merchandise. Guests na magre-reserve sa event ay makakatanggap ng Hyundai Golf Umbrella.
Sabi ni Mr. Cecil Capacete, Managing Director ng Hyundai PH, “Excited kami sa Test Drive Festival. Layunin naming ipakita sa mga Pilipino ang innovations ng Hyundai sa masaya at family-friendly na paraan, at simulan ang holiday season ng may magandang karanasan para sa lahat.”




