
Ang inaabangang Grand Theft Auto VI (GTA VI) ay muling na-delay, at ayon sa ulat, aabot sa ₱3.4 bilyon (katumbas ng $60 milyon USD) ang dagdag na gastos ng Rockstar Games dahil dito.
Ayon sa isang gaming insider, ang delay ay nagdudulot ng halos ₱560 milyon kada buwan na dagdag sa gastusin ng kompanya. Kapag isinama pa ang suweldo ng mga developer at iba pang bayarin, posibleng umabot ang kabuuang dagdag na gastos sa halos ₱5.6 bilyon.
Una nang nakatakda ang GTA VI para sa Mayo 2025, ngunit inilipat ito sa Nobyembre 29, 2026 upang makamit ang antas ng kalidad na inaasahan ng mga manlalaro. Sinabi ng kumpanya na kailangan nila ng mas mahabang oras para “tapusin ang laro sa antas ng polish na nararapat sa mga fans.”
Kahit nakakadismaya ang bagong delay, nananatiling mataas ang excitement ng gaming community. Marami pa rin ang umaasang magiging sulit ang paghihintay para sa pinakaambisyosong proyekto ng Rockstar Games.




