
Ang PlayStation Portal ay naglabas ng bagong Cloud Streaming update noong Nobyembre 5 para sa mga PlayStation Plus Premium members. Sa update na ito, mas pinalawak kung saan at paano pwedeng gamitin ang handheld device para maglaro ng PS5 games.
Dati, kailangan pa ng Remote Play na nakakonekta sa aktibong PS5 para makapaglaro. Pero ngayon, sa Cloud Streaming feature, pwede nang mag-stream ng libu-libong digital PS5 games direkta mula sa cloud—kahit naka-off o ginagamit ng iba ang PS5 sa bahay.
Ilan sa mga sikat na laro na pwede nang laruin ay Borderlands 4, Final Fantasy VII Rebirth, Fortnite, Grand Theft Auto V, at Resident Evil 4. Kasama rin sa update ang daan-daang compatible games mula sa PlayStation Plus Game Catalog at Classics Catalog tulad ng Cyberpunk 2077, God of War Ragnarök, at The Last of Us Part II Remastered.
Sa bagong feature na ito, mas madali nang maglaro kahit saan at kahit kailan. Hindi mo na kailangang hintayin matapos gumamit ng PS5 ang iba — basta may stable internet connection, tuloy-tuloy ang gaming mo!
Presyo ng PlayStation Portal sa Pilipinas: humigit-kumulang ₱15,000–₱18,000, depende sa tindahan.




