
Ang anak ni boxing legend Manny Pacquiao, na si Eman Bacosa, ay umani ng papuri online matapos ang kanyang panalo sa Thrilla in Manila 2 boxing event. Pero hindi lang sa laban siya napansin — pinag-uusapan din siya ngayon dahil sa pagkakahawig niya kay Piolo Pascual.
Maraming netizens ang napahanga kay Eman, hindi lang sa kanyang husay sa boksing kundi pati sa kanyang gwapo at photogenic na itsura. Dahil dito, tinawag siya ng mga netizens na “Piolo Pacquiao.”
Sa mga komento at post sa social media, marami ang nagsabing pang-artista umano ang dating ni Eman. “Papa P. New Version 😊,” ayon sa isang netizen. “Tall check... pogi check... humble check...,” dagdag pa ng isa. May iba ring nagsabing “Face card is giving, body built is a plus!”
Isang content creator pa sa TikTok ang gumawa ng biro at congratulatory video, kung saan sinabi niyang handa siyang maging sparring partner ni Eman. Marami ang natawa sa video, at pati mga artista gaya ni Bea Borres ay nag-react sa comment section.
Noong Nobyembre 3, ibinahagi ni Eman ang larawan nila kasama sina Manny at Jinkee Pacquiao matapos ang laban sa Araneta Coliseum. Sa caption, sinabi niyang, “Grateful to have you both 💞 Thank You Lord! 🙏” Habang patuloy siyang nag-eensayo para sa kanyang boxing career, mas dumadami pa ang humahanga sa kanya bilang “Piolo Pacquiao.”
			
		    



