
Ang POGO o Philippine Offshore Gaming Operator ay pormal nang ipinagbawal sa Pilipinas matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12312 noong Oktubre 25, 2025. Ipinagbabawal ang operasyon, pagbibigay serbisyo, at pagtanggap ng taya sa anumang online games o sporting events na pinapatakbo sa bansa.
Kasama rin sa pagbabawal ang pagtatayo ng POGO hub, paggamit ng kagamitan o paraphernalia para sa POGO, at pagtulong sa sinumang sangkot sa ilegal na operasyon. Bawal din ang pagbibigay o paggamit ng pekeng dokumento at ang pagpapaupa ng bahay, sasakyan, o establisyemento para sa POGO.
Ang mga empleyado at dayuhan na sangkot sa POGO ay puwedeng ma-deport at mawalan ng visa o work permit. Kailangan ding bayaran ng POGO operators ang buwis at regulasyon hanggang sa huling araw ng operasyon. May parusa mula ₱300,000 hanggang ₱50 milyon at kulong mula 6 hanggang 12 taon depende sa bilang ng paglabag.
Senador at kongresista, kabilang sina Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian, ay pumuri sa batas, sinasabing makakatulong ito sa kapakanan ng mamamayan at mapipigilan ang mga social ill na dala ng POGO. Ayon sa kanila, mas mahalaga ang human dignity kaysa sa kita mula sa ilegal na sugal.




