
Ang ChatGPT Atlas ay bagong AI browser para sa Mac na may ChatGPT sa bawat page. Madali ka nang makakuha ng edits, summaries, at paliwanag habang nagba-browse, hindi na kailangan mag-switch ng tab.
May sidebar na “Ask ChatGPT” at cursor collaboration para ma-highlight ang text at makakuha ng tulong agad. Puwede ring makita, i-save, o i-delete ang browser memories para sa mas personalized na karanasan.
Para sa mga paid users, may “Agent Mode” na kayang mag-research, mag-fill forms, at gumawa ng shopping cart habang binabantayan at ina-approve ng user ang bawat step.
Atlas ay available na sa macOS, habang papalapit na rin sa Windows, iOS, at Android. Sa tulong nito, makakatipid ka sa oras at mas mabilis magawa ang tasks, lahat sa iisang window lang.