
Ang “King of Underbones” Suzuki Raider R150 ay muling magpapakita ng lakas ngayong Nobyembre 11, 2025. Dalawang bagong variant ang ilalabas: Blade Edition at Pro Edition.
Para sa Blade Edition, aasahan ang mas sleek na body, bagong graphics, mobile charging port, LED lights, at slipper clutch o Suzuki Clutch Assist System (SCAS). Ang SCAS ay nagsisilbing proteksyon kapag mabilis ang downshift para hindi biglang mag-skid ang motor.
Samantala, ang Pro Edition ay may lahat ng features ng Blade Edition, dagdag pa ang ABS at ang Suzuki Ride Connect System. May digital panel na konektado sa smartphone para sa navigation, call at message alerts. May keyless ignition din para sa dagdag seguridad. Ang disenyo ng ilaw sa harap ay hango sa Gixxer 155.
Wala pang opisyal na presyo (SRP) sa ngayon pero siguradong iaanunsyo sa mismong launch. Excited na ang maraming Raider fans dahil ito ang kauna-unahang beses na magkakaroon ng ABS at Ride Connect System sa underbone ng Suzuki.