
Ang tatlong tao — dalawang lalaki at isang babae — ay kritikal matapos ang banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Talisay-Tanauan Road, Barangay Tumaway, Talisay, Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw, Oktubre 15.
Dalawa sa mga biktima ay sakay ng tricycle habang ang isa naman ay motorcycle rider. Ang tricycle ay mula pa sa Binangonan, Rizal at nakaparada sa gilid ng kalsada. Nakasakay dito ang mag-asawa at kanilang pamangkin na bata.
Ayon sa mga nakakita, galing sa isang tindahan ang rider kasama ang kanyang mga kaibigan. Pinaghihinalaang nagkakarera ang motorsiklo bago ito tuluyang bumangga sa nakahintong tricycle. Sabi ng bata, nakatayo pa umano sa motor ang rider bago ang salpukan.
“Nakita namin tatlong tao nakabulagta, buti at nakaligtas ang bata. Ang sabi niya, bigla silang nabangga habang nakahinto sa gilid,” ayon kay Joel Villanueva, tanod ng barangay.
Agad na isinugod sa ospital ang tatlong biktima na kritikal ang kondisyon. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.