
Ang Senate Committee on Finance chair Senator Sherwin Gatchalian ay nagbabalak na bawasan ang budget ng DPWH dahil sa umano’y overpriced projects. Plano rin nilang ilipat ang ibang proyekto sa ibang ahensya para mas madali ang accountability. Sinabi niya na nire-review nila ang mga work programs at kung may sobra sa presyo, babawasan nila ito 10% hanggang 20% depende sa overpricing.
Ayon kay Gatchalian, makakatulong ito sa mas mababang national budget at budget deficit. Halimbawa, ang budget ng DPWH ngayong 2026 ay humigit-kumulang ₱800 bilyon, na bumaba na matapos alisin ang flood control funds. Ilalagay na rin sa ibang ahensya ang TIKAS projects, hospital projects, at iba pang espesyal na proyekto para mas maayos ang pamamahala.
Bukod dito, pinaplano rin ni Gatchalian na alisin ang Unprogrammed Appropriations para maiwasan ang abuso sa pondo. Ipinapayo rin niya na hindi i-certify bilang urgent ang budget para mas maraming oras ang mga mambabatas sa pag-review at pagbabago. Naniniwala si Gatchalian na sa ganitong paraan, mas magiging transparent at maayos ang proseso bago maaprubahan ang budget bago mag-Pasko.