
Ang isang 34-anyos na babae ay natagpuang walang malay sa isang international flight at kalaunan ay namatay, dahilan upang magsagawa ng emergency landing sa Yellowknife Airport sa Northwest Canada.
Ayon sa pulisya, dakong 9:45 a.m. noong Oktubre 5, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pasaherong walang malay. Paglapag ng eroplano, agad na isinugod ang babae sa ospital ngunit idin-eklarang patay sa kabila ng pagsisikap ng mga responder at emergency team.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente sa tulong ng Coroner’s Service, at wala pang karagdagang detalye ukol sa pagkakakilanlan ng biktima.
Noong unang bahagi ng taon, may kahalintulad na pangyayari rin sa isang flight kung saan isang sanggol ang isinilang ngunit hindi na nakahinga at kalaunan ay namatay matapos dalhin sa ospital.