
Sa pagdiriwang ng kanilang anniversary, may espesyal na promo na tiyak na ikatutuwa ng mga fry lovers.
Mula Oktubre 10 hanggang 13, may Buy 1 Take 1 Fries promo. Kapag bumili ka ng Mega Fries (₱165), makakakuha ka ng Large Fries (₱110) nang libre. At kung bibili ka ng Giga Fries (₱230) o Tera Fries (₱299), may libre ka ring Jumbo Fries (₱180).
Valid ito sa lahat ng Potato Corner branches nationwide. Perfect para sa barkada, pamilya, o kahit solo cravings.
Ang Potato Corner ay nagsimula noong Oktubre 1992. Simula noon, naging parte na ito ng malls, schools, hospitals, at iba pang paboritong tambayan ng mga Pinoy.
Kung mahilig ka sa flavored fries, huwag palampasin ang promo na ito. Sulit na sulit ang bawat kagat!