Ang malakas na ulan mula Oktubre 3 ay nagdulot ng landslide at baha sa Nepal at India na ikinasawi ng 63 katao. Sa Nepal, 43 ang patay at lima ang nawawala, ayon sa Disaster Risk Authority. Pinakamatinding tinamaan ang Illam district kung saan 37 ang namatay dahil sa pagguho ng lupa.
Nabahala rin ang mga residente sa Kathmandu matapos umapaw ang mga ilog at lumubog ang ilang kabahayan. Gumamit ang mga otoridad ng helicopter at bangka para sa rescue. Dahil dito, daang-libong piso halaga ng mga ari-arian ang nasira at maraming biyahero ang stranded matapos ma-block ang mga kalsada.
Nagdeklara si Prime Minister Sushila Karki ng public holiday at hinikayat ang lahat na umiwas muna sa pagbiyahe para sa kaligtasan.
Samantala, sa India, umabot sa 20 ang patay sa Darjeeling matapos ang flash flood at pagguho ng lupa. Nasira ang mga bahay at tulay, at hirap ang mga rescuers sa pag-abot sa mga apektadong lugar.
Ayon sa mga eksperto, ang climate change ang nagpapalala sa dalas at lakas ng mga ganitong sakuna, lalo na tuwing monsoon season.