
Ang paglalaan ng pondo mula sa flood control papunta sa ayuda ay maaaring magdulot ng dependency at politika, ayon kay dating finance secretary Gary Teves.
Sinabi niya na mas makabubuti kung ang pondo ay ilaan para sa mga bata at kanilang development. Aniya, sa unang 2,000 days ng isang bata dapat bigyan ng pansin ang bakuna, feeding program, at nutrisyon sa paaralan at komunidad.
Dagdag pa niya, ang sobrang pondo sa ayuda gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations na may ₱32 bilyon at Sustainable Livelihood Program na ₱3 bilyon ay hindi kasing epektibo kumpara sa education at health care para sa mga bata.
Iminungkahi rin niya na bawasan ang foreign travel expenses at confidential at intelligence funds, at ilipat ito sa mas kapaki-pakinabang na sektor gaya ng turismo at skills development.