Ang Bagyong Ragasa (Nando sa Pilipinas) ay tumama sa South China, dala ang malakas na ulan, hangin at baha. Naitala ang 145 kph na hangin nang bumagsak ito sa Guangdong, kung saan milyon ang apektado.
Sa Taiwan, umabot sa 14 ang namatay at 46 ang sugatan matapos bumigay ang isang lumang barrier lake sa Hualien. Mahigit 7,600 residente ang lumikas at libo pa ang nanatili sa evacuation centers para maging ligtas.
Sa China, halos 2.2 milyon katao ang inilikas at pinasara ang mga paaralan at negosyo sa maraming lungsod. Nawasak ang mga puno, bakod at sasakyan, at nahinto ang biyahe ng tren sa Guangdong.
Sa Hong Kong, higit 860 katao ang nagpunta sa mga pansamantalang tirahan, habang 90 sugatan ang ginamot sa ospital. Mahigit daang flight ang kanselado at ilang lugar ay binaha. May batang 5-anyos at ina na nahulog sa dagat; kritikal ang kalagayan ng ina.
Naglaan ang pamahalaan ng China ng mahigit ₱2.9 bilyon para sa rescue at relief operations. Ayon sa mga eksperto, mas lumalakas ang bagyo dahil sa climate change na dulot ng pag-init ng mundo.