Ang isang South Korean na babae na sangkot umano sa money laundering gamit ang pekeng investment scheme ay naaresto sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang suspek na kinilalang si Kim ay tumulong maglaba ng pera para sa sindikatong gumagawa ng fake investment websites. Nasa mahigit ₱42 milyon ang nakuha nilang pera mula 2020.
Na-turn over si Kim sa Bureau of Immigration detention facility para sa dokumentasyon. Sabi ni Maj. Gen. Robert Morico II, malaking tulong ang pagkakaaresto upang umusad ang kaso at mahatulan ang mga sangkot.
Dagdag pa ni Morico, paiigtingin ng CIDG ang manhunt operations laban sa iba pang dayuhang pugante na sangkot sa ganitong uri ng krimen.