Ang epekto ng magkakasunod na bagyong Mirasol at Nando ay nagdulot ng malubhang pinsala sa ilang bahagi ng bansa. Ayon sa ulat, may 3 patay, 9 sugatan, at 5 nawawala. Dalawa sa mga namatay ay mula sa Central Luzon, habang isa ay mula sa Cordillera na tinamaan ng landslide sa Benguet.
Umabot sa ₱123,142 katao o 35,264 pamilya ang naapektuhan, at halos ₱13,431 katao ang nananatili sa mahigit 252 evacuation centers, karamihan sa Cagayan Valley. Sa ulat, mahigit 28 bahay ang nasira sa Cordillera, Central Luzon, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Nag-deploy ng mga sundalo at volunteers ang Philippine Army sa Isabela, La Union, Cagayan, Abra, at Baguio City para sa rescue at relief operations. Samantala, iniulat ng Coast Guard na isang mangingisda ang namatay at 6 pa ang nawawala matapos tumaob ang bangka sa Cagayan.
Mahigit 44,000 pamilya o tinatayang ₱159,000 katao ang kabuuang naapektuhan ng bagyo, kasama ang mga mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, Calabarzon, at Mimaropa. Mahigit 7,900 households ang lumikas bago pa man tumama ang bagyo.
Samantala, pumasok na rin sa PAR ang isa pang bagyo na pinangalanang Opong. May lakas itong 55 kph at maaaring mag-landfall sa Northern Samar bago tumawid ng Southern Luzon. Inaasahan ang malalakas na ulan at hangin sa Visayas at Luzon simula bukas, kasama ang storm surge sa mabababang lugar.