Ang kabataang Nepali ay sanay sa digital pero hirap sa trabaho at kakulangan ng oportunidad. Sawa na sila sa matatandang lider na hindi na konektado sa kanilang pangangailangan. Galit ang sumiklab matapos ang pagbabawal sa social media, na sinundan ng marahas na protesta kung saan 19 ang namatay.
Malaki ang problema sa ekonomiya. Ayon sa datos, halos 82% ng manggagawa ay nasa impormal na trabaho. Halos ₱1.2 trilyon ang kinikita ng bansa mula sa remittance kada taon, pero hindi ito nagiging maayos na trabaho sa loob ng Nepal. Bawat taon, nasa 500,000 kabataan ang pumapasok sa trabaho, pero kakaunti ang oportunidad.
Talamak din ang korupsyon. Nakikita ng kabataan sa social media ang marangyang buhay ng mga anak ng politiko habang karamihan ng tao ay naghihirap. Marami ang naniniwala na paulit-ulit lang ang mga matatandang lider na paulit-ulit ding nauupo sa kapangyarihan mula pa nang maging republika ang bansa noong 2008.
Ang takot na mawalan ng karapatan ay isa ring dahilan. Para sa kabataan, ang pagbabawal sa social media ay hindi lang simpleng pagbabawal kundi pagyurak sa kalayaan. Sa social media sila naglalabas ng hinanakit, kumokonekta sa pamilya abroad, at nakikita ang totoong kalagayan ng bansa.