Ang senador Robin Padilla ay naghain ng “Anti-Pabebe” bill na layong magdagdag ng practical skills sa education curriculum ng bansa.
Kasama sa panukala ang pagtuturo ng basic agriculture, gardening, sewing, basic cooking, household skills, carpentry at woodwork. Lahat ng ito ay may kasamang hands-on activities at practical demonstrations para matutunan ng mga estudyante sa bawat grade level.
Ayon kay Padilla, ang pagbabago ng kultura at teknolohiya ay nagpapahirap nang maipasa ang mga ganitong kasanayan mula sa matatanda papunta sa kabataan. Kaya nais niyang gawing bahagi ng curriculum ang mga ito para maging mas handa ang kabataan sa totoong buhay.
Dagdag pa niya, ang panukalang ito ay nakaayon sa global best practices kung saan ang pagtuturo ng life skills, values formation, at environmental awareness ay nakakatulong para sa mental well-being, maiwasan ang maling asal, at mahubog ang responsableng mamamayan.
Ang Anti-Pabebe bill ay inihain noong Agosto 27 at itinurn-over sa Committee on Basic Education at Committee on Finance noong Setyembre 16.