
Ang bangkay ng tao ay natagpuan sa trunk ng impounded Tesla na nakarehistro kay d4vd, isang rising US rap star sa Hollywood.
Mga kapitbahay ng tow yard ang tumawag sa pulisya noong Lunes, Sept. 8, dahil sa masangsang na amoy mula sa lugar. Nang dumating ang mga opisyal, nakita nila ang nabubulok na katawan na nakabalot sa plastik sa front trunk ng sasakyan.
Ang kotse ay nakarehistro sa Texas sa pangalan ni David Anthony Burke, kilala bilang d4vd. Nakaplano sana siyang mag-concert sa Minneapolis noong Martes, Sept. 9, bilang bahagi ng kanyang world tour.
Sa kabila ng insidente, patuloy pa rin si d4vd sa pag-post sa social media para i-promote ang kanyang bagong album, ngunit walang nabanggit tungkol sa natagpuang bangkay.
Ang tow yard kung saan natagpuan ang bangkay ay malapit sa bagong bukas na Tesla Diner sa Hollywood na naging kilala sa dami ng dumating na tao.