
Ang ilang dating researcher ng Meta ay nagtestigo na ang kumpanya ay sadyang itinago ang mga pag-aaral tungkol sa panganib ng bata sa kanilang virtual reality (VR) platforms. Ayon sa kanila, ginamit ng kumpanya ang mga abogado para i-edit o harangin ang mga sensitibong report matapos silang imbestigahan ng Kongreso noong 2021.
Sinabi ni Cayce Savage, dating researcher ng kumpanya, na alam ng Meta na maraming underage children ang nasa kanilang VR services pero pinapabayaan lang nila ito. May ulat pa noong 2017 na nagsasabing sa ilang virtual rooms, halos 80% hanggang 90% ng users ay bata na wala pa sa tamang edad.
Ipinakita rin sa mga dokumento na pinayuhan ang mga researcher na maging maingat sa paggamit ng mga salita tulad ng “illegal” o “labag sa batas.” Layunin daw nito ay para magkaroon ng plausible deniability o parang walang pananagutan ang kumpanya kung lumabas ang mga problema.
Mariing itinanggi ng Meta ang mga paratang at sinabi nilang ito ay maling paglalarawan. Giit ng kanilang kinatawan, patuloy silang gumagawa ng safety protections para sa mga bata. Ngunit ayon kay Jason Sattizahn, malinaw na hindi magbabago ang kumpanya kung walang pilit mula sa Kongreso.