Ang bagong silang na sanggol na lalaki ay dinukot ng isang babaeng nagkunwaring nurse sa Lingayen District Hospital noong Linggo.
Ayon sa ulat ng Pangasinan police, naganap ang insidente sa OB-Gyne ward matapos iwan ng 42-anyos na ama ang silid para magbayad ng ospital na nasa ₱7,000.
Base sa imbestigasyon, ang suspek na nakasuot ng berdeng scrub suit at may face mask, ay nagsabi sa ina na kailangan dalhin ang sanggol para sa blood test.
Nag-utos si Gov. Ramon Guico III na magsagawa ng imbestigasyon at agad na nagsimula ang paghahanap ng pulisya sa dinukot na sanggol.
Sa pahayag ng pamahalaang panlalawigan sa social media, tiniyak nila na may update na ibibigay sa pamilya at publiko at nanawagan din sa mamamayan na mag-report sa awtoridad kung may impormasyon tungkol sa insidente.