Ang Ducati Diavel V4 RS ay opisyal nang ipinakita bilang pinakamalakas na muscle cruiser ng kumpanya. May 180bhp sa 11,750rpm at kayang umabot ng 0-100km/h sa loob ng 2.5 segundo. Gamit nito ang Desmosedici Stradale V4 engine na makikita rin sa Panigale series.
Para sa performance, may six-speed gearbox, STM EVO dry clutch, at bagong quickshifter para mas mabilis at smooth ang pagbabago ng gear. May tatlong power modes at apat na riding modes kasama ang Sport, Touring, Wet, at Race – unang beses para sa Diavel.
Mas magaang din ito ng 3kg kumpara sa normal na Diavel dahil sa carbon fiber parts, titanium exhaust tips, at lithium battery. Ang bigat ay nasa 223kg na lang. May Öhlins suspension, Brembo brakes, at bagong 240/45 Pirelli Diablo Rosso IV tire para mas solid ang handling at preno.
Para sa disenyo, may carbon single-seat tail, red Brembo calipers, at titanium details. May dagdag na practical features tulad ng rear cylinder deactivation para makatipid sa init at gasolina, plus optional accessories gaya ng panniers at windscreen. Inaasahang darating ito sa Europa ngayong Disyembre 2025 at sa USA at ibang bansa Enero 2026. Presyo tinatayang nasa ₱1.9M – ₱2.1M depende sa market.