Ang Burgman Street 125 ang muling nagpakita ng husay sa tipid sa gas at comfort sa EconoTour Luzon. Sa 275-kilometrong biyahe mula Caloocan hanggang Bolinao, Pangasinan, 136 riders ang matagumpay na nakumpleto ang ruta sakay ng Standard at EX variants.
Kahit umulan at iba-iba ang kondisyon ng kalsada, nakapagtala ang mga riders ng 70 km/L average fuel efficiency. Mas mataas ito kumpara sa opisyal na rating na 54.9 km/L para sa Standard at 56.8 km/L para sa EX. Bagama’t hindi naabot ang dating record na 94.6 km/L, nananatiling isa ito sa pinaka-matipid na scooter sa klase nito.
Nagsimula ang event ng 3:00 AM sa Caloocan at dumaan sa Pampanga, Tarlac, at Alaminos bago marating ang Bolinao sa hapon. Maraming riders ang nagpatunay sa komportableng ride, dahil sa maluwag na floorboard, relaks na upuan, at matatag na handling ng Burgman Street.
Sa tipid ng konsumo, masasabi na puwede kang maglakbay ng 70 kilometro sa isang litro ng gasolina. Kung ang gasolina ay nasa ₱65 kada litro, ang 275 km na biyahe ay aabot lang ng humigit-kumulang ₱255—napaka-affordable para sa long ride.
Pinatunayan ng EconoTour na ang Burgman Street ay tunay na kaagapay ng mga Pilipino, mula sa araw-araw na byahe hanggang sa malalayong lakad. Ito ang scooter na nagsasama ng praktikalidad, tipid, at ginhawa, kaya’t patuloy itong minamahal ng riders sa buong bansa.