Ang Netflix ay nag-anunsyo na Witcher Season 4 ay mapapanood na sa Oktubre 30 matapos ang mahigit dalawang taon na paghihintay. Mayroong 8 episodes na tatagal ng tig-50 minuto bawat isa.
Sa bagong season, sina Geralt, Yennefer, at Ciri ay magkakahiwalay dahil sa digmaan at mga bagong kaaway. Habang hiwa-hiwalay ang kanilang landas, makakakilala sila ng mga kaalyado na maaaring maging parte ng kanilang bagong pamilya. Kung sila ay magtitiwala, posibleng magtagpo silang muli.
Isa sa pinakamalaking pagbabago ay ang pagpasok ni Liam Hemsworth bilang Geralt of Rivia, matapos umalis si Henry Cavill sa papel.
Makakasama rin sa cast sina Anya Chalotra, Freya Allan, Joey Batey, Laurence Fishburne, Eamon Farren, Anna Shaffer, Mimî M Khayisa, at Cassie Clare.
Witcher Season 4 opisyal na magsisimula sa Oktubre 30 sa Netflix.