
Ang Conjuring TV series sa HBO Max ay nakahanap na ng showrunner. Si Nancy Won ang napili bilang showrunner, writer, at executive producer.
Kasama rin sina Peter Cameron at Cameron Squires bilang writers. Si Won ay magiging co-executive producer kasama si Peter Safran, habang tutulong din ang James Wan’s Atomic Monster sa produksyon.
Wala pang inilabas na detalye tungkol sa plot at cast ng upcoming series. Tumanggi rin ang HBO Max na magbigay ng karagdagang komento.
Ang balitang ito ay lumabas kasunod ng premiere ng Conjuring: Last Rites — ang huling pelikula nina Ed at Lorraine Warren. Nakakagulat na kumita ito ng ₱11.3 bilyon (194 million USD) sa unang weekend. Tinalo nito ang pelikulang It bilang may pinakamalaking opening weekend ng isang horror movie sa lahat ng panahon.
Abangan pa ang susunod na updates tungkol sa Conjuring series.