Ang Google ay pinagmulta ng isang US federal jury ng halos ₱24 bilyon (425 milyon USD) matapos mapatunayang nangongolekta ito ng impormasyon mula sa mga smartphone apps kahit naka-on ang privacy settings ng users.
Ayon sa mga abogado ng nagsampa ng kaso, ang Google ay patuloy na nag-iintercept, nagta-track, at nagbebenta ng data mula sa paggamit ng apps, kahit pa pinili ng mga tao na huwag ibahagi ang kanilang impormasyon.
Pahayag ng kumpanya, mali umano ang desisyon dahil nagbibigay naman sila ng privacy tools na kumokontrol sa data ng users. Dagdag pa nila, kapag naka-off ang personalization, nirerespetuhan nila ang choice ng users. Balak din nilang umapela sa hatol.
Ang kaso ay bahagi ng patuloy na pressure laban sa Google tungkol sa privacy at cookies, na ginagamit sa online ads. Ang cookies ay maliliit na files na nagre-record ng online activity ng users at mahalaga sa kita ng malalaking tech companies.
Kamakailan, pinagmulta rin ang Google ng ₱19 bilyon (325 milyon euros) dahil sa paglalagay ng cookies nang walang malinaw na consent mula sa users. Ito na ang ikatlong beses na naparusahan ang kumpanya kaugnay sa data privacy.