Ang DJI ay naglabas ng bagong Mic 3, isang magaan at mini wireless microphone na puno ng advanced features. Tumitimbang lang ito ng 16 grams at kayang suportahan hanggang 4 transmitters at 8 receivers – perfect para sa multi-camera shoots, interviews, at group recordings.
Isa sa pinakamalaking upgrade nito ay ang adaptive gain control na kusang inaayos ang lakas ng boses para hindi mag-clipping. Mayroon din itong tatlong voice tone presets: Regular, Rich, at Bright, pati 2-level active noise cancelling para mas malinaw ang audio.
Para sa creators, may 32GB internal storage ang Mic 3 na may dual-file 32-bit float recording, ibig sabihin nai-save ang parehong original at enhanced version ng audio. Mayroon din itong timecode sync para mas mabilis ang post-editing.
Sakop nito ang hanggang 400 meters range, may automatic frequency hopping at malakas na battery life – 8 oras sa transmitters, 10 oras sa receiver, at total na 28 oras gamit ang charging case.
Available na ngayon ang DJI Mic 3 sa halagang ₱13,200 (mula €199 o $232) at compatible ito sa Bluetooth, USB-C, at 3.5mm ports para sa mas malawak na paggamit.