Ang Perene Cakes and Pastries ay kilala sa paggawa ng mga special at indulgent cakes na talaga namang patok sa lahat. Ngayon, may bago silang handog para sa rainy season: ang Ube Halaya Burnt Cheesecake at Bibingka Burnt Cheesecake.
Ang Ube Halaya Burnt Cheesecake ay gawa sa natural na ube halaya. Pagsasama ito ng creamy cheesecake at tamis na may pagka-earthy ng ube—isang lasa na tunay na Filipino comfort.
Samantala, ang Bibingka Burnt Cheesecake ay kakaibang timpla ng creamy salted egg, may kasama pang buko strips at muscovado sugar. Ang bawat kagat ay parang balik-Pasko kasama ang pamilya—may alat, tamis, at lutong Pinoy na siguradong hahanap-hanapin.

Bukod dito, hindi pa rin mawawala ang all-time favorite na Nutella Cheesecake. Sa mga bagong flavors na ito, pinapatunayan ng Perene na sila ay tunay na trendsetter sa local cake scene.
Para sa mga suki, may Loyalty Card Program din. Kada bili ng mini o whole cake, makakakuha ka ng stamp. Kapag nakumpleto, pwede kang makakuha ng libreng mini cake na aabot ng mahigit ₱500 halaga—isang sweet na pasasalamat mula sa Perene.