
Ang kwento ko ay tungkol sa pagtataksil, sakit, at pagganti. Ako ay 26 taong gulang at ang partner ko ay 31. Halos tatlong taon na kaming nagsasama at mayroon kaming dalawang anak. Akala ko noon buo at masaya na ang pamilya ko, pero mali pala ako.
Noong unang pagbubuntis ko, doon ko nalaman na niloko niya ako. Umuwi siya sa ex niya at sabay pa silang nabuntis. Nalaman ko lang ito nang mahuli ko ang chat nila. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sobrang sakit. Sinampal ko siya, nag-away kami, at lumayo ako. Pero sinundan niya ako at nangakong titigil. Ang dahilan niya, raw, ay pipiliin niya ako dahil ang ex niya ay may ectopic pregnancy. Pinatawad ko siya kahit ang bigat sa loob ko.
Pagkapanganak ko, ako ang nagbuhay sa amin. Nag-abroad ako para sa pamilya, para may maipakain at maipadala. Umuwi ako para sa binyag ng anak namin, tapos balik ulit sa trabaho. Pero muli ko siyang nahuli. Nakita ko sa Instagram at sa phone niya na kung sinu-sino ang ka-chat niya. Nang makaharap ko siya, umiyak lang siya at nag-explain. Kahit galit na galit ako, pinatawad ko siya—dahil ayokong lumaking walang tatay ang anak namin.
Noong unang birthday ng panganay namin, okay kami sa una. May trabaho siya sa appliance center at ako naman ay nag-abroad ulit, kahit buntis na sa pangalawa naming anak. Walang nakakaalam. Dalawang buwan lang ang lumipas, nalaman kong tumakas siya gabi-gabi para makipag-inuman at makipaglandian sa katrabaho. Habang ako, araw-araw 12–15 oras nagtatrabaho, kahit buntis, para sa kanila. Sobrang sakit isipin na habang nagsasakripisyo ako, siya naman ay nakikisaya sa iba.
Doon na nagsimula ang pagbagsak ko. Sa sobrang sakit, natutunan kong mangganti. Nakilala ko ang asawa ng babae at nagka-chat kami. Umabot pa kami sa video call at muntik nang may mangyari. Hanggang sa nakilala ko rin ang kaibigan niya at sa kagustuhan kong makaganti, nakipag-relasyon ako ng ilang beses. Inamin ko sa sarili ko na nakipag-s3x ako tatlong beses sa iba. Akala ko gagaan ang pakiramdam ko, pero hindi ako naging masaya.
Ngayon ay 2025 na, halos isang taon mula sa huling pagtataksil niya. May 7-month old na kaming baby pero sariwa pa rin ang sakit. Sa isip ko, kapag niloko niya ako, gaganti rin ako. Kaya simula noon, naging parang “lalakero” na rin ako. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil natuto ako sa paulit-ulit niyang kasalanan.
Pinakamasakit para sa akin ay niloko niya ako habang buntis. Sa panahon na ako ang pinakamahina, doon niya ako sinaktan ng sobra. Binagyan niya ako ng trauma na dala ko hanggang ngayon.