
Ang rising alt-pop artist na Sombr ay tuloy-tuloy ang pag-angat matapos ang success ng kanyang hit single na “back to friends.” Inanunsyo niya ang kanyang unang debut album na may pamagat na I Barely Know Her, na ilalabas sa Agosto 22, 2025.
Ang buong album ay siya mismo ang sumulat, at katuwang sa production si Tony Berg, na kilala sa pagtatrabaho sa iba’t ibang sikat na musikero. Ang album ay may kabuuang 10 tracks kabilang ang:
“crushing”
“12 to 12”
“i wish i knew how to quit you”
“back to friends”
“canal street”
“dime”
“undressed”
“come closer”
“we never dated”
“under the mat”
Kasabay ng album announcement, ibinahagi rin ang listahan ng kanta. Nauna nang inilabas ni Sombr ang mga singles na “back to friends,” “undressed,” at ang pinakabago niyang “12 to 12,” na sinamahan ng official music video na may special appearance ni Addison Rae.
Inaasahan na ilalabas ang I Barely Know Her bago magsimula ang kanyang North American tour. Malaking hakbang ito para sa kanyang career bilang isa sa mga pinaka-aabangan na bagong artist sa alt-pop scene.