Ang 1989 RUF CTR1 Lightweight “Redbird” ay isang bihirang obra na ibebenta sa Monterey Car Week ngayong Agosto. May tinatayang presyo na nasa ₱252 milyon hanggang ₱280 milyon, ito ang nag-iisang CTR na pininturahan sa espesyal na kulay na Bordeaux Red at dati ring personal na sasakyan ni Alois Ruf, ang tagapagtatag ng RUF.
Noong huling bahagi ng dekada ’80, ang CTR1 ay sumikat sa buong mundo matapos talunin ang Ferrari F40 at Porsche 959, na may top speed na 211 mph. Ang bersyong Lightweight gaya ng “Redbird” ay mas magaan dahil sa aluminum na katawan, Clubsport seats at kaunting luho, ngunit ang modelong ito ay may dagdag na power windows, custom telemetry, at heated glass. May kakaibang disenyo rin ito tulad ng Pfaffenhausen hood badge, chrome trim, at silver-finished wheels.
May higit-kumulang 19,000 kilometro lamang ang tinakbo ng “Redbird” at nananatili ang matching-numbers twin-turbo 3.4L flat-six engine nito. Over the years, in-upgrade ito ng RUF gamit ang G50 transaxle at mas pinalakas na braking system. May kumpletong dokumento at listahan ng mga dating kilalang may-ari sa Europa, kaya’t ito ay mahalagang piraso para sa mga kolektor ng classic na performance cars.
Ngayong bahagi na ito ng isang prominenteng koleksyon sa Amerika, ang “Redbird” ay tinitingnan bilang isa sa pinaka-espesyal at pinakamahalagang RUF na ginawa. Magsisimula ang subasta sa Agosto 16 at tiyak na magiging highlight para sa mga mahilig sa analog na bilis at kakaibang disenyo.