Ang isang 35-anyos na ama sa Zamboanga City ay hinostage ang kanyang 5-anyos na anak matapos ang away nila ng kanyang kinakasama noong madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa pulisya, nagwala ang suspect na kinilalang Carlito matapos makipagtalo sa kanyang partner na si Roselle. Dahil sa takot, isinara ng babae ang pinto ng kanilang bahay ngunit binasag ng lalaki ang bintana gamit ang salamin.
Pagkatapos, mabilis na tumakas si Carlito habang bitbit ang bata at tinutukan ito ng piraso ng salamin. Nang dumating ang mga pulis, lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa anak at nagtago sa isang tindahan.
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at nasagip ang bata matapos itong bitawan ng suspect. Kaagad na inaresto ang lalaki at dinala sa presinto para sa imbestigasyon.